Hindi sinasaraduhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang ahensya para sa ideyang pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang dalawang bansa na may overlapping territorial claims sa West Philippine Sea (WPS) at South China Sea na China at Vietnam.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., hindi nila tinatalikuran ang posibilidad na pagsasanay ng naturang mga bansa dahil ang hinahangad para sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos ay maging ‘friends to all, enemies to none.’
Dagdag pa nito, pinag-aaralan ng ahensya ang joint exercises upang mapalakas ang patrolling activities ng bansa sa WPS.
Mariing iginiit ng opisyal na hindi kakayanin ng Pilipinas ang pag-explore sa national defense, kaya kailangan pa rin nitong dumepende sa mga kaalyadong bansa.
Samantala, nagpapatuloy ang unilateral patrols ng AFP sa WPS.
#