AFP, hindi na papatulan ang umano’y kasinungalingan ng China hinggil sa SCS

Hindi na papatulan ng Armed Forces of the Philippines ang mga pahayag ng China na binangga umano ng Pilipinas ang kanilang mga barko sa South China Sea.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang pangunahing isyu aniya rito ay ang iligal na presensiya at mga aksyon ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Giit pa ni Trinidad na ang agresibong hakbang ng China Coast Guard ang nagpapataas ng tensyon sa rehiyon.

Nanindigan din ang AFP na patuloy nilang tutugunan ang pangangailangan ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *