19 katao, patay sa ginanap na Hajj Pilgrimage dahil sa matinding init ng panahon

Patay ang mahigit kumulang na 19 katao habang isinasagawa ang Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia.

Ayon sa Ministry of Jordan, 14 na tao mula Jordan ang namatay sa heatstroke dahil sa sobrang init, habang 17 na tao naman ang nawawala.

Samantala, 5 Iranians naman ang namatay sa Mecca at Medina habang isinasagawa ang naturang pagtitipon.

Dagdag pa nito, walang pang impormasyon sa kung anong dahilan kung bakit ito nangyari.

Wala namang mga Pilipinong ang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *