Pagbabawal na manigarilyo at vape sa mga pampublikong transportasyon, ipinaalala ng LTFRB Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 2 sa publiko na bawal ang paninigarilyo o paggamit ng vape sa loob ng mga pampublikong transportasyon at terminal.
Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 183 o pagdeklara sa buwan ng Hunyo bilang National No Smoking Month sa bansa.
Hangarin nitong makamtan ang isang smoke-free public transportation sa bansa at mapangalagaan ang kalusugan ng mga bawat-isa laban sa panganib na dala ng sigarilyo at vape.