Matapos maitalaga bilang Acting director ng Criminal Investigation and Detection Group, muling idiin ni BGen. Nicolas Torre III na ipinatupad lamang nila ang batas laban kay Apollo Quiboloy.
Ayon kay BGen. Torre, hindi rin niya ikinonsiderang kaaway ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at hindi nagtatanim ng sama ng loob sa mga ito.
Umaasa si Torre na ang pagkakahuli kay Quiboloy ang magiging simula ng tunay na hustisya sa mga biktima umano nito ng pang-aabuso.
Samantala, nakatakdang maghain ng kaso si Torre laban sa mga nagbanta sa kanya at kanyang pamilya sa kasagsagan ng police manhunt laban kay Quiboloy.
Sinabi ni Torre na kasong direct assault ang isasampa niya laban sa ilang KOJC members.