Inisyal na listahan ng ‘election watchlist areas’ bina-validate pa ng PNP

Patuloy ang ginagawang validation ng Philippine National Police sa mga lugar na maaring ituring bilang ‘election watchlist areas’.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo hawak na nila ang inisyal na listahan ng mga lugar at tinitingnan pa nila kung pasok ba ang mga ito sa mga parameters na itinakda ng Commission on Elections.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Nilinaw naman ni Fajardo na tanging ang Comelec lamang ang authorized na maglabas ng opisyal na listahan ng mga mapapabilang sa ‘election watchlist areas’.

Samantala, sinabi naman ni Fajardo na umakyat na sa 921 na paglabag sa gun ban rules ang kanilang naitala simula noong Enero 9.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sa kabila nito wala pang naitatalang election-related incidents of violence sa bansa simula nang mag-umpisa ang election period.

Inihayag naman ni Fajardo na naging mapayapa ang unang araw ng pangangampanya ng mga national candidates para sa May 2022 Election.