DOH, isasagawa ang 4th COVID vax dose sa April

Posibleng simulan na sa huling linggo ng Abril ang pagbabakuna ng ikalawang booster shot – o ikaapat na dose ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga healthcare workers, senior citizen, at iba pang may commorbidities.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nagsumite na ng aplikasyon ang ahensya para hilingin sa Food and Drug Administration ang amendment sa emergency use authorization (EUA) ng ilang piling bakuna para sa fourth dose.

Sa gitna nito, pinag-aaralan na rin ng ahensya ang posibilidad na gawing taunan ang pagtanggap ng bakuna kontra COVID-19, pero hindi pa malinaw kung kasama rito ang general population.

Mababatid na kailangan nasa 70 porsyento ng populasyon sa lugar, bukod pa sa 80 porsyento ng senior citizen, ang fully-vaccinated para isailalim ang isang lugar sa Alert Level 1.