Flight sa Naga Airport balik na sa dalawa bawat araw

NAGA CITY- Balik na sa dalawa ang flight sa Naga Airport na nasa Pili Camarines Sur mahigit isang linggo matapos ang eleksyon.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Officer-in-Charge Jun Orbon. Aniya sa kasagsagan ng halalan tatlong flights mayroon at ngayon ay balik na sa dalawa. Mahigit 60 pasaherong paalis ang average araw-araw habang umaabot sa 76 daily average naman ang dumarating.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Patuloy man sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 istrikto pa rin sa paliparan. Simula sa pagpasok hanggang sa pagsakay sa eroplano. Regular pa ang disinfection na natyempohan pa ng BNFM kung kaya hindi rin pinapasok sa arrival at departure area.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Hangad ni Orbon ang kooperasyon upang tuluyan nang makabalik sa normal ang sigla sa paliparan.