Active COVID-19 cases, pinakamataas na nakalipas na 3 buwan sa 66,895

Sumipa pa ang nationwide tally ng COVID-19 active cases sa 66,895.

Batay sa Department of Health, ito ang pinakamataas na active case count sa nakalipas na tatlong buwan, simula noong May 3, nang maitala ang mahigit 69,000 ill patients.

Ang bilang ng active cases ay bumubuo sa 4.1% ng case total na umakyat na sa 1,627,816, matapos gumaling ang 8,127 pang pasyente mula sa respiratory disease.

Mula sa bilang ng active cases, 94.6% ang mayroong mild symptoms, 1.9% ang mayroong severe symptoms, 1.3% ang nasa moderate condition, 1.1% ang critical condition at 1% ang asymptomatic.

Samantala, ang death toll naman ay tumaas sa 28,427 o 1.75% ng COVID-19 count – matapos na pumanaw ang 196 pang pasyente, habang ang recovery tally ay umakyat sa 1,532,494 o 94.1% ng case total, matapos maitala ang 4,343 pang survivors. // MHEL PACIA-TRINIDAD