Active cases sa Batanes, nasa 204 na

Umakyat pa sa 204 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Batanes matapos maitala ang bagong 48 na kaso ngayong araw, September 22, 2021.

Batay sa inilabas na datos ng Provincial Government ng Batanes, umabot na sa 221 ang total confirmed COVID cases sa lalawigan habang 17 ang total recovered cases.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa mga aktibong kaso, nangunguna ang bayan ng Basco na may 147 cases; sinundan ng Mahatao na may 20 cases; Uyugan na may 18 na kaso.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Tig-7 naman sa Itbayat at Sabtang  habang 5 naman ang aktibong kaso sa Ivana, Batanes.

Sa ngayon ay nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Batanes hanggang October 4, 2021 dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakakahawang virus.