Nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA, huli itong namantaan sa layong 870 kilometro, silangan ng southeastern Mindanao.
Inaasahan namang magde-develop din ito bilang isang ganap na bagyo.
Sakaling maging isa na itong tropical depression, tatawagin itong #AghonPH, ang kauna-unahang bagyo para sa taong 2024.
Mananatili itong bilang isang LPA, at may tiyansa na maging bagyo bukas ng umaga.
‘Di rin iniaalis ang posibilidad na tumama ito sa kaulapan.
Maaari pa rin itong lumakas dahi nasa katubigan pa ito.
Sa forecast, posible itong magpa-ulan sa eastern section ng Mindanao, eastern section ng Visayas, at maging sa Southern Luzon.
Sa ngayon, easterlies pa rin ang magpapailan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa weather bureau, magdadala ito ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin, na may kasamang pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa natitirang bahagi ng Pilipinas.