Abogado at author na si Alexander Lacson, tatakbo sa pagka-bise presidente sa eleksyon

Inanunsyo ng author at abogado na si Alexander Lacson na plano niyang tumakbo sa pagka-Bise Persidente sa halalan sa 2022, ilang araw bago ang filing ng certificate of candidacy sa Oktubre.

Tinanggap ni Lacson ang nominasyon ng Kapatiran Party, para maging vice presidential candidate nito sa susunod na taon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa website ni Lacson, ay sinabi na siya ay co-founder ng Malcolm Law Firm sa Pasig at nagsusulat rin ito ng mga libro para sa bansa.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Una nang nag-anunsyo ng vice presidential bid sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senate, President Vicente Sotto III, at Dr. Willie Ong.

Mababatid na itinakda ng Commission on Elections ang filing ng certificates of candidacy mula October 1-8.