NAGA CITY- Kamot ulo ang ilang mga taga Camarines Sur na nakaranas ng aberya sa pagpaparehisto ng kanilang Subscriber Identity Module o SIM Card.
Reklamo nila not available ang link, ang iba naman cannot processed by this time raw at ang iba failed to respond at marami pa.
Ito ay marahil nagkasabay-sabay ang mga pinoy ayon sa mga personahe ng isang network na nag assist sa mga users sa City Hall ng Naga.
Mababatid na kahapon umarangkada na ang pagpapahistro ng simcard na nakaangkla sa Republic Act No. 11934.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Melody Relucio , magpapalabas sila ng kautusan sa mga LGUs ukol sa kanilang papel sa batas na ito, tulad ng information dissemination. Dapat aniya gumalaw ang mga opisyal lalo na para sa mga nasa malalayong lugar at hindi paborable ang internet signal.
180-araw ang itinakda ng batas upang makapag parehistro, kung hindi ay madedeactivate ang gamit na simcard.