Mga batang edad 5- 11 anyos na nabakunahan vs COVID- 19 sa Camarines Norte nasa mahigit 22 percent pa lang sa pagtatapos ng taon

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga batang edad 5- 11 taong gulang na nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagtatapos ng taon.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 15, 390 o 22. 5 percent ng target population na 68, 347 ang nabakunahan as of December 27, 2022.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa labing dalawang bayan sa lalawigan ang Capalonga ang may pinakamataas na porsiento sa ngayon ng vaccination coverage sa naturang age group na nasa 55. 8 percent na.

Sinusundan ito ng Mercedes na may 39.  5 percent coverage, Basud 35. 8 percent, San Vicente na may 34. 3 percent, Talisay 28. 7 percent at San Lorenzro Ruiz 28. 6 percent.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang Daet ay may 22. 2 percent, Vinzons 20. 6 percent, Jose Panganiban 14. 3 percent, Labo 13 percent at Sta Elena na may 10. 3 percent.

Habang ang Paracale  na sa ngayon ay wala pang sampung porsiento.

Matatandaan na sinimulan ang pagbabakuna sa naturang age group noong Marso.