Abalos, nais kausapin ang 11 PNP officers na hindi pa nagsusumite ng courtesy resignation

Nais ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na makausap ang 11 senior police officers na hindi pa naghahain ng kanilang courtesy resignation.

Nabatid na mayroong 956 full colonels at generals sa PNP, at batay sa bagong datos, 11 pa sa kanila ay hindi pa nagsusumite ng kanilang courtesy resignation, habang may tatlo na nakikitang ang submission ay hindi na mahalaga dahil sila ay paretiro na bago ang Jan. 31 deadline.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., nais malaman umano ni Abalos ng personal ang kanilang dahilan sa likod ng pagtangging tumugon sa panawagan, bilang bahagi ng internal cleansing sa hanay, sa harap ng muling pag-usbong mga mga ninja cops, at mga nire-recycle na mga nakumpiskang ilegal na droga sa police service. Samantala, ang mga nagsumite na ng kanilang courtesy resignation, kabilang na si Azurin ay mananatili sa kanilang pwesto, maliban kung tatanggapin na ang kanilang resignation.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG