LEGAZPI- Aabot sa 419 na mga Disadvantage/Displaced workers mula sa 9 na barangay sa lungsod ng Legazpi ang naging benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol.
Ang mga napiling displaced workers ang mula sa barangay Maslog, Dapdap, Puro, Lamba, Arimbay, Bigaa, Bagong Abre, Dita, at San Joaquin.
Noong lunes nagsimula na ang 10 araw na kontrata ng mga nasabing workers para sa apat na oras sa bawat araw.
Na kung saan ang magiging trabaho nito ay ang pag disinfect at pagsanitized ng mga pampublikong pasilidad, de-clogging ng mga canals, at pagpapaganda ng kanilang barangay.
Kung makumpleto na nila ito, bawat isa ang makakatanggap ng P3,100.00.
Samantalang inihayag naman ni DOLE Bicol Regional Director Ma. Zenaida Campita kasama ng programa ang tulong rin ng Albay Provincial Field Office (APFO) at Ako Bicol Partylist (AKB) na siyang nanguna sa TUPAD orientation sa Barangay Bigaa at Barangay Puro Covered Court.
Maliban pa dito ang mga benepisyaryo ang nakatanggap rin ng mga Personal Protective Equipment (PPE).
Kung babalikan, ang nasabing programa ang naglalayon na matulungan ang mga residente na mababa lamang ang nakukuhang income sa isang araw at mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic.