Pagpapatupad sa ‘alert level system for COVID response’ sa NCR, ‘provisionally approved’

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na “provisionally approved” na ng IATF ang guidelines para sa pilot implementation ng “alert level system” para sa covid-19 response sa National Capital Region (NCR).

Sa kanyang paliwanag dalawang quarantine classification na lamang ang gagamitin, ang enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ).

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Ayon kay Roque, ang mga lugar na maisasailalim sa GCQ with alert level system ay kinakailangang sumunod sa mga protocol na consistent sa kanilang alert levels.

Kaugnay nito, pinakamataas na alert level ay alert level 4 kung saan mahigpit na ipagbabawal ang mass gathering at mga dine-in at personal care services.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, kabilang din sa guidelines ang pagpapatupad ng limitadong galawa sa lahat ng indibidwal maliban na lamang sa mga healthcare workers at non-medical personnel na nagtatrabaho sa mga ospital.