DTI nagdaos ng Seminar on Frontline Customer Service sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Nagdaos ng Seminar on Frontline Customer Service ang depatmeng of Trade and Industry noong Biyernes na ginanap sa Mayor’s Office Conference Room, Municipal Building, Brgy. Poblacion sa Capalonga, Camarines Norte.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nangyari ang naturang seminar sa pamamagitan ng Negosyo Center.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Tinalakay ni Ginoong. Nico D. Ruz – Business Counselor ng Negosyo Center sa naturang bayan ang iba’t- ibang paksa tulad ng Business Advisory, registration at Information and Advocacy.

Layunin ng aktibidad na mapabuti, mapalakas at makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa mga may potensyal na negosyante tungkol sa pagnenegosyo at kung paano ang maayos na pakikitungo sa mga iba’t ibang uri ng mamimili.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pinasalamatan naman ni Senior Administrative Assistant Robinson E. Ricasio ang mgga kalahok sa naturang seminar.

Tiniyak din  nito na palaging nakasuporta ang LGU sa pagpapalago ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa naturang bayan.