Launching ng PINASLAKAS, isinagawa ngayon araw sa isang mall sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Inilunsad kaninang umaga ng Department of Health (DOH) Bicol ang PINASLAKAS Vaccination sa isang mall sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Pinangunahan niDOH Bicol Regional Director, City Government ng Legazpi at ng iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Desiree Bricenio, National Immunization Program (NIP) Medical Coordinator ng nasabing tanggapan, sinabi nito na mas pinalakas nito ang pagbabakuna at kampanya sa bansa laban sa COVID-19.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon kay Bricenio, wala namang pinagbago sa kanilang target population sa pagbabakuna, ngunit kailangan lamang na palawakin pa ang pagbabakuna sa mga Local Government Unit (LGUs).

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kinakailangang suyurin ng mga ito ang mga barangay at offices sa mga pribadong kompanya na hindi pa nagpapabakuna ng booster shots.

Target pa rin ng ahensya na mabakunahan ng booster shots ang lahat na age groups o priority groups.

Sinabi ng opisyal, ang nasabing aktibidad ay ginaganap na rin sa iba’t ibang rehiyon.