4 na batang may edad 5 taong gulang pababa sa Albay, nagpositibo sa COVID-19

LEGAZPI CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na batang may edad na limang taong gulang pababa sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay sa loob lamang ang dalawang araw.

Batay sa datos na inilabas ni Albay Gov. Noel Rosal kahapon, kabilang sa apat na mga batang nagpositibo sa naturang sakit ay ang isang 5 days old na babaeng sanggol mula sa Brgy. Puro ng nasabing lunsod; isang taong gulang na batang lalaki mula sa Tuburan, Ligao City; isang buwang gulang na babaeng sanggol mula sa San Miguel Island, Tabaco City at ang limang taong gulang na batang babae mula sa Libod, Camalig.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang mga nabanggit na bata ay pare-parehong nagkaroon ng mga positibong resulta sa COVID-19 noong August 16 ngayong taon at naka-kategorya sa closed contact ang history of exposure ang mga ito.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa kabuuan, 31 mga indibidwal mula sa lunsod ng mga naitalang nagpositibo sa nasabing sakit base sa datos mula August 17-18 ngayong taon.