Pumanaw na ang Grammy-winning superstar na si Olivia Newton-John sa edad na 73 taong gulang.
Nakilala siya sa kanyang mga hit na kanta na ‘Physical’ at ‘You’re the One That I Want’ .
Nabighani ang marami sa kanyang pagganap bilang Sandy sa blockbuster na bersyon ng pelikulang ‘Grease.’
Si Newton-John, ay isang matagal nang residente ng Australia na ang mga benta ay nanguna sa 100 milyong mga rekord.
Namatay ang singer-actress noong Lunes sa kanyang Suother California ranch ayon sa kanyang asawang si John Easterling, na ipinost sa Instagram at Facebook.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/08/9-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)