Mahigit P2.00 Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

Samantalahin na ng mga motorista, dahil may malakihang bawas-presyo na ipatutupad sa mga produktong petrolyo ngayong araw, Martes.

Sa inilabas na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., sinabi nito P2.10 per liter ang tapyas nila sa presyo ng gasolina, P2.20 sa diesel, at P2.55 naman sa kerosene, na magsisimula mamayang las 6:00 a.m.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Kaparehong presyo rin ang ibabawas ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene na hindi kasama sa kanilang produkto.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Samantala, ang Cleanfuel ay mamayang alas 8:01 am ang simula ng rollback.

Ang ibang kompanya ng langis, ay hindi pa naman naglalabas ng kanilang abiso.