International Prison expert kinonsulta ng DOJ, pamamalakad ni BuCor Chief Bantag napuna

Kumunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla ng isang international prison reform expert para sa isinusulong na pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa.

Ito ay matukuyin ang Bureau of Corrections(BuCOR) bilang isang problematic agency.

Ayon kay Atty. Nico Clavano ng Office of the secretary na nais ni Remulla na iayos ang correction system sa bansa sa naging pakikipagpulong nito kay Narag.

Tila dagok naman umano ito sa pamamahala ni BuCor chief Gerald Bantag.

Ayon kasi sa ilang mga BuCor official na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa loob ng tatlong taon ay wala pa rin pagbabago ang correctional facility sa ilalim ni Bantag.

Magugunitang makailang beses nang naharap sa kontrobersiya si Bantag kung saan dineklara pa itong persona non grata sa Muntinlupa City matapos nyang harangan ng mga pader ang ilang komunidad sa lungsod at isinara sa motorista ang isang kalsada bilang dagdag seguridad sa New Bilibid Prison(NBP) nang walang permiso mula sa LGU.

Idinadawit din ito sa maanomalyang Joint Venture Agreement(JVA) si Bantag sa pagitan ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation(ATOM) para sa paglipat ng prison facilities mula sa National Bilibid Prison(NBP) sa Muntinlupa City sa Nueva Ecija nang walang kunsultasyon at bidding process.

Hindi rin kinunsulta umano noon ni Bantag si Secretary Menardo Guevarra nang payagan nitong ma-interview ng isang broadcast network sa loob ng NBP ang nakakulong na si Ret Gen Jovito Palparan.ito ay administrative case.

Isinasangkot din si Bantag sa magkakasunud na misteryosong pagkamatay sa COVID 19 ng 8 na high profile inmates sa pagitan ng May hanggang July 2020 na agad crinemate ang kanilang mga labi.