LPA magpapaulan sa ilang lugar sa bansa – PAGASA

Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang namataang Low Pressure Area (LPA)malapit sa coastal waters ng Calauag, Quezon.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan ng Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at mainland Cagayan dahil sa LPA at Southwest Monsoon.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Nagpaalala naman ang PAGASA sa mga posibleng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog at pagkidlat at malalakas na buhos ng ulan.