Drug affectation rate sa Bicol, bumaba na; bilang ng drug cleared barangay, pumalo ng mahigit 2k sa rehiyon- PDEA Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi bababa sa 2,007 mula sa 3, 472 mga barangay sa Bicol ang naideklarang drug cleared, habang 521 mga barangay naman ang certified unaffected ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol.

Sinabi ni Cotton Yuson-Talento, Regional Spokesperson ng PDEA Bicol, pumalo na lamang sa 22.64% ang drug affectation rate sa nasabing rehiyon noong 2021 o 77.36% na mas mababa kumpara noong 2019.

Aniya, isang inter-agency committee ang nag-validate sa kawalan ng drug personalities sa mga lugar.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Upang maiproklamang drug-cleared, dapat aniyang patunayan ng pinuno ng mga barangay na walang presensya ng drug personalities tulad ng user, pusher, protector, at peddlers.

Dagdag pa niya, kinakailangan ding buhayin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council at dapat ding sumuko ang mga gumagamit ng droga sa pamamagitan ng pagsusumikap ng pulisya sa Oplan Tokhang.

Sinabi rin ni Talento na ang huling yugto para sa mga drug-cleared barangays ay ang pagtatatag ng sustainability programs upang mapanatili ang kanilang status o community-based rehabilitation program na iniaalok ng mga lokal na health center.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi ng tanggapan, ang drug cleared barangays ay nangangahulugang lahat ng kilalang drug personalities ay accounted na at nabigyan ng tamang intervention programs.

Hinihimok naman ni Talento ang bawat residente sa barangay na maging self-policing, upang turuan ang isa’t isa tungkol sa panganib ng droga.

Samantala, ang mga munisipalidad ng Gainza, at Magarao sa Camarines Sur at Jovellar sa Albay ang unang idineklara bilang drug-cleared sa Bicol.