Ukraine at Russia nagtuturuan sa rocket attack sa prison camp sa Olenivka

Nagtuturuan ngayon ang Russia at Ukraine kung sino ang responsable sa rocket attack na pumatay sa maraming Ukrainian prisoners of war sa Donetsk region.

Ayon sa Ukraine, tinarget ng Russia ang bilangguan para umano masira ang mga ebidensya ng torture at pagpatay.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Sinabi ng isa sa mga adviser ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na mistulang arson ang crime scene pero posibleng nagsambulat ang mga katawan ng mga biktima.

Giit naman ng Russia na precision rocket ng Ukraine ang tumama sa prison camp sa Olenivka.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Nanindigan ang bagong Ukraine prosecutor-General na si Andriy Kostin na sinimulan na nila ang crimes investigation sa pagsabog.

Inihayag ni Kostin na kumbinsido silang aabot sa 40 ang patay habang 130 naman ang nasugatan at nasaktan sa rocket attack