Mga bisita sa loob ng Pamahalaang Panlalawigan hindi pa rin pinahihintulutan

CAMARINES NORTE – Hindi pa rin pinahihintulutan ang mga bisita sa loob ng Kapitolyo Probinsyal upang mapanatili ang mahigpit na pagpapatupad ng health safety protocols sa COVID-19.

Paliwanag ni Atty. Don Culvera, Provincial Legal Officer /Unified Incident Commander ng CamNorte IMT, maliban lamang kung ang mga bibisita ay may mahahalagang sadya sa mga tanggapan tulad ng mga sumusunod: Provincial Treasurer’s Office, Provincial Assessor at Provincial Legal Office.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Habang simula kahapon, May 25, 2021 , ang mga dati nang nagtitinda at nagdedeliber ng pagkain sa ilang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ay pinahintulutan ng makapasok subalit sa isang bahagi lamang ng Freedom Park, na itatalaga ng IMT

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Kung matatandaan, pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga vendors sa alinmang tanggapan sa Kapitolyo kung saan hanggang sa main entrance lamang ihahatid ang kanilang pagkain o order at doon na lamang kukunin ng kawaning nagpadeliver