Ilang pasahero sugatan sa aksidente sa Puerto Princesa

Nagbanggaan ang isang van at sasakyan ng Bureau of Correction sa Puerto Princesa City South National Highway ganap na 5:45 ng hapon nitong Miyerkules, July 27, 2022.

Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office, bago ang aksidente ay nasa South National Highway ang van mula sa Barangay Montible at patungo sa Puerto Princesa proper habang ang behikulo ng Bucor ay patungo naman sa Barangay Inagawan mula sa City proper.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Nang marating ang South National Highway ay kumaliwa umano ang van habang ito ay nasa outerlane pero sinubokan pa ng sasakyan ng Bucor na iwasan ito subalit nakain na nito ang kabilang linya.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Maswerte namang hindi nagtamo ng mga pinsala ang mga driver na sina Jose Glory Mar Vagos Talingdan, 52 (driver ng van ) at si Dave Gabayeron Paduga, 35 na driver ng BUCOR pero ang ilan sa mga pasahero o sakay ng mga sasakyan ay nasugatan at agad na dinala sa pagamutan.