Pinag-iingat pa rin ng DOST- Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga Palaweño sa posibleng epekto ng lindol na isang natural calamity.
Ayon kay Robert Esplida, Officer-in-Charge ng PHILVOCS Palawan, posible kasing maramdaman sa lalawigan ang pagyanig kung ang mga origin o pinagmulan nito ay malapit sa probinsya.
Sa oras umano na magkaroon ng malakas na paglindol sa bahagi ng Antique, Visayas at sa Mindoro ay maaari itong maramdaman sa bayan ng Cuyo at Coron at iba pang bayan.
Kaugnay nito ay hindi inaaalis ng PHILVOCS Palawan ang posibilidad na makaramdam ulit ng pagyanig sa lalawigan matapos mai-dokumento ang paglindol na puminsala sa ilang istraktura noong 2016 sa bayan ng Bataraza, ayon kay Esplida.
Samantala, hinikayat niya ang mga Palaweño na makilahok sa mga preparedness program para sa kaligtasan anumang oras.