Mga nababakunahan kontra COVID- 19 edad 5- 11 taong gulang sa Camarines Norte nasa 10 porsiento pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 10, 201 pa lang ang nababakunahan sa 97, 638 na target o 10. 4 percent.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Sa labindalawang bayan, ang Capalonga ang nakapagtala sa ngayon ng pinakamataas na porsiento ng nababakunahan sa naturang age group na mayroong 26 percent na sinusundan ng Basud na may 23 percent at San Vicente na may  20. 1 percent.

Ang bayan ng Talisay ay mayroong 16. 1 percent, San Lorenzo Ruiz 14. 2 percent at ang kabiserang bayan ng Daet ay mayroon pa lamang  12 percent.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Ang bayan naman ng Mercedes ay nakapagtala ng 11. 9 percent habang ang iba pang mga bayan ay wala pang sampung porsiento.

May pinakamababang bahagdan ang mga nababakunahan sa naturang age group sa bayan ng Paracale na mayroon pa lang  1. 4 percent.