Magsasaka sa Palawan na kontra sa pagmimina, sumulat kay PBBM

Sumulat para kay Pangulong Ferdinand “ Bong Bong” Marcos Jr. ang Samahan ng Magsasakang Ayaw sa Pagmimina mula sa bayan ng Brooke’s Point Palawan.

Ayon sa Presidente ng SMAP na si Rudy Cataluña, nais nila itong iparating sa punong ehekutibo upang hilingin na huwag pahintulotan na mag-operate ang kompanya ng mina sa kabundokan ng Barangay Maasin.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Iginiit ng samahan ng magsasaka na walang mabuting maidudulot na mabuti ang pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation sa kabuhayan ng mga residente at kalikasan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinanindigan ng mga magsasaka sa kanilang liham na walang public consultation ang Ipilan Nickel Corporation pero patuloy pa rin ito sa pagtatayo ng mga istraktura at pagmimina na walang permit.

Kaugnay nito, umaasa sila na papakinggan ng pangulo ang panawagan.