Aktibong kaso ng covid-19 sa Camarines Sur umakyat sa 63

NAGA CITY- Umakyat sa 63 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur matapos na madagdagan ng 11 kahapon, 3 naman ang gumaling.

Ang bilang na ito ay nagdala sa 17, 114 cumulative cases. 16, 420 ang nakarekober habang 631 ang nasawi.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO nakasaad ang ang bagong 11 kaso ay mga residente ng Milaor, kung saan tatlo sa San Antonio at isa sa Dalipay. Dalawa sa San Pedro habang isa sa New Poblacion Cabusao. Tig iisa naman ang Potot, Libmanan; Bagumbayan Pequeño, Goa; San Francisco, Bombon at Barangay Bani sa bayan ng Tinambac.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Rey Millena, COVID-19 booster shot ang susi upang mapatibay muli ang paglaban sa virus at hindi na bumalik sa lockdowns.