PAMALAKAYA, nagsagawa ng ‘coastal protests’ para igiit ang soberanya ng Pilipinas sa WPS

‘Atin ang Pinas, China Layas!’

Ito ang sigaw ngayon ng grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA o ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas.

Isinagawa ang isang fluvial parade sa Laguna de Bay kasabay ng pagunita ng ika-anim na anibersaryo ng Hague arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sakay ng kanilang mga bangkang pangisda, umapela ang grupo ng mga mangingisda na ipagtibay ang arbitral ruling para maprotektahan ang soberanya at karapatan ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Giit ng PAMALAKAYA, anim na taon na ang nakalipas matapos ang ating ‘landmark victory’ ngunit hindi pa rin humihinto ang China sa paglabag sa karapatan ng mga Pilipinong mangingisda.

Hinamon din nila ang administrasyong Marcos na gumawa ng hakbang para maprotektahan ang ating mga teritoryo. (PAMALAKAYA PHOTO)
#