Suspected Drug trader na nasa watchlist arestado sa Masbate City

SORSOGON CITY—Isang inaakusahang drug trader ang inaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 3, Brgy Espinosa, Masbate City.

Kinilala ang suspek na si Aris Hare Caña, 28-anyos, binata, tricycle driver at residente ng Purok 3, Brgy. Ibingay, sa nasabing syudad.

Ang suspek na nasa listahan City Recalibrated Database on Illegal Drugs ng Masbate City Police Station ay kumagat umano sa pain ng PNP anti narcotic agents daan ng pagkakaaresto nito.

Read More:  Mother, three children killed inside Zamboanga del Sur home

Nakabili mula sa suspek ang police poseur buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang P500 bill.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Nakumpiska ng operating team sa suspek ang isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, lighter at isang itim na belt bag. 

Nakakostudiya ang suspek kasabay ng mga nakumpiskang ebidensya sa Masbate City Police Office para sa kaukulang disposisyon.