Satellite registration sa mga barangay sa Sorsogon City, sinimulan na ng Comelec

SORSOGON CITY—Umarangkada na ang satellite registration ng Commission on Election (Comelec) sa ilang barangay sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay City Election Officer Atty. Karla Sincua Jerrera, layon ng nasabing hakbang na makahikayat ng mas maraming mga magpaparehistro gayundin maiwasan ang pagsisiksikan sa kanilang opisina.

Sa pamamagitan din umano nito ay mas mapapabilis ang pagpaparehistro at iwas abala rin sa oras at pamasahe dahil hindi na kailangang magtungo pa sa kanilang opisina na nasa City hall Compound sa Brgy Cabid-an na medyo may kalayuan din.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Kaugnay nito ay naka schedule ang satellite registration sa covered court  ng Barangay Pangpang sa Hulyo 13, Hulyo 16 naman sa Bacia auditorium sa Poblacion Bacon at sa Bato covered court sa Barangay Bato, Bacon sa Hulyo 19.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Noong Sabado, Hulyo 9 ay nagsimula ang kanilang satellite registration sa covered court ng Brgy Talisay.

Sa mga nais namang magsadya sa tanggapan Comelec ay bukas ito  Lunes hanggang Sabado at kahit tuwing holidays mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Hulyo 4 nang simulan ang voter registration at magtatagal ito hanggang sa Hulyo 23 ngayong taon.###