Baao, Camarines Sur nakaranas ng pagbaha nitong Sabado

NAGA CITY- Nakaranas ng pagbaha ang Baao , Camarines Sur nitong Sabado dahil sa halos maghapong ulan.

Mahirapang makadaan ang mga motorista sa poblacion, apektado ang Barangay Sta. Teresita at Barangay San Isidro. Ang baha naging ilog para mga bata, pero perwisyo sa mga motorista.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa pag-iikot ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) napag-alaman mula sa team CamSur EDMERO FireSar na mga sanga ng mga pinutol na kahoy ang rason, nakaharang ang mga ito sa drainage kasama ang kawayan at mga basura, dahil dito umapaw ang tubig patungo sa kalsada.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Pasado alas-5 ng hapon nang humupa ang baha.