Grupo, iginiit na handa na ang mga guro sa 100% face-to-face classes sa Nobyembre

Iginiit ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) chairperson Benjo Basas na handa na ang mga guro sa pagbabalik ng panukalang 100% face-to-face classes ngayong Nobyembre.

Ayon kay Basas, hinihintay umano nila ito sa nakaraang dalawang taon dahil sa hindi magandang resulta ng distance learning setup sa mga estudyante.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Hinimok naman niya ang pamahalaan na siguruhin na hindi magiging masikip ang mga classrooms at hindi agad matatambakan ng trabaho ang mga teachers.

Read More:  House prosecutors drop bribery charge against Sara Duterte

Samantala, nauna ng inanunsyo ni President Ferdinand Marcos Jr. na tinitingnan na ng Department of Education (DepEd) ang tuluyang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral. (ARGIE ERGINA)