Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang National Dairy Authority kaugnay sa maanomalyang pagbili ng fresh milk noong 2021.
Ayon sa state auditors, hindi kumpleto ang mga dokumento sa isinumeteng annual audit report ng NDA para sa feeding programs ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa P108.977 million umano ang biniling fresh milk na walang suportadong post-qualification reports.
Samantala, nakita din ng mga naturang auditors na hindi tugma ang resibo ng delivery sa inspection information at acceptance receipts. (ARGIE ERGINA)