Barangay kagawad na miyembro ng 4Ps, sinuspende

KORONADAL CITY — ISANG barangay kagawad sa bayan ng Banga, South Cotabato ang sinuspende sa kanyang posisyon sa loob ng dalawang buwan matapos napatunayan na tumatanggap ito ng mga benepisyo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News kay Punong Barangay Elpedio Patarata, ng Barangay San Vicente, Banga, South Cotabato, kinilala nito ang naturang barangay kagawad na si Dexter Donasco.

Sinuspende ito bilang kagawad ng barangay dahil sa paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 matapos ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng benepisyo mula sa 4Ps sa kabila ng posisyon nito bilang kagawad sa barangay.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Paliwanag ni Patarata, taong 2009 ay miyembro na ng 4Ps si Donasco ngunit nahalal bilang kagawad ng barangay noong 2012.

Pinuntahan na umano ito ng DSWD Region-12 upang i-wave ang kanyang membership ngunit hindi umano ito pumayag.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Napag-alaman na nasa P11,000 umano ang honorarium ng isang barangay kagawad sa nasabing lugar dahilan upang ma-disqualify ito bilang miyembro ng 4Ps.

Dagdag pa ni Patarata na ito mismo ang nag-sampa ng kaso sa Ombudsman laban kay Donasco.
Sa ngayon, wala pang sagot si Donasco o ang kampo nito sa nasabing isyu. Nananatili namang bukas ang Brigada News FM Koronadal sa panig nito upang ipaliwanag ang isyu.