Pagpapalakas ng turismo kabilang sa bibigyang pansin ng bagong administrasyon sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Palalakasin ng bagong administrasyon ang turismo sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa kaniyang inaugural address sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Department Heads, isa sa binigyang pansin ni Mayor Alexander Lo Pajarillo ay ang sektor ng turismo kung saan kilala ang naturang bayan.

Bubuhayin umano ng Alkalde ang Mercedes Tourism Council at  Resorts Owners Association.

Ire- reactivate din ang “Homestay” Program sa tatlong isla.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatagpuan sa bayan ng Mercedes ang “siete pecados” o pitong isla na dinarayo ng ng mga turista para sa island hopping.

Noon lang Hunyo nasa 152 turista ang nagtungo sa Apuao na isa lamang sa pitong isla batay sa datos ng Philippine Coast Guard.

Bukod sa pagpapalakas ng turismo inilatag din ng Alkalde ang kaniyang mga programa sa Social Economic Services, Edukasyon, Infrastructure na isa sa mga highligths ay ang Completion ng Matoogtoog to Lanot National Highway sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Mayroon ding mga programa sa Livelihood at Agriculture, Environmental Protection, at Disaster Preparedness Response.

Pagdating naman sa Health and Sanitation, tuloy- tuloy umano ang pagbabakuna at iba pang programa para mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19.

Mayroon din mga programa sa nutrisyon at Housing and Settlements.