Madam Inutz, sinabing suportado siya ng kanyang mga anak sa bagong pag-ibig

Ibinahagi ni Daisy Lopez o mas kilala sa tawag na Madam Inutz na suportado ng kanyang mga anak ang boyfriend nitong si Edward Tan o Tantan.

Ayon kay Lopez, sinabihan umano siya ng kanyang panganay na anak na panahon na para muli siyang maging masaya.

Read More:  Sarah Geronimo spotted at Regine Velasquez’s Finale concert amid pregnancy rumors

Full support din ang kanyang mga magulang sa bagong buhay pag-ibig niya kung saan binalaan pa umano si Tantan ng kanyang ama na huwag siyang lokohin.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Samantala, matatandaang ipinagtanggol ni Lopez ang kanyang nobyo matapos sabihin ng isang netizen na pera lang ang habol nito sa kanya at gagamitin lang siya para sumikat. (ARGIE ERGINA)