Mga kawani ng CNPH pinaalalahanan ng bagong Gobernador na huwag magsungit sa mga pasyente

CAMARINES NORTE- “Dapat laging nakangiti”

Ito ang paalala ni Governor Ricarte “Dong” Padilla sa mga kawani ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa kaniyang kauna- unahang official visit bilang ama ng lalawigan kahapon.

Sinalubong si Padilla ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at ng mga doktor at nurses ng naturang ospital.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mainit ang naging pagtanggap ng mga empleado ng CNPH sa bagong Gobernador na sinuklian naman nito ng kaway at ngiti sa bawat departamento na kaniyang binibisita.

At sa pakikipag usap nito sa mga empleado sinabi ng opisyal na dapat laging nakangiti at iwasang magsungit.

Matatandaan na noong Hulyo 2015 o pitong taon na ang nakakalipas ay inilusad sa CNPH ang programang “hospital of smiles.”

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Tugon ito ng CNPH sa gitna ng mga reklamo hinggil sa di umano’y hindi magandang pag uugali ng mga empleado nito. Sa pamamagitan umano ng programa ay mararamdaman ng mga ito na inaalagaan sila ng husto ng ospital at palaging inaalala ang kanilang kalusugan