MHO Pili, Camarines Sur, hindi inirerekomenda ang dengue fogging

NAGA CITY – Hindi inirerekomenda ng Municipal Health Office ng Pili, Camarines Sur ang Dengue Fogging sa bayan sa kabila ng nakapagtala na ito ng 25 kaso.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rafael Salles, Municipal Health Officer ng naturang bayan.

Ayon naman kay Dr. Aurora Teresa Daluro ng DOH Bicol , mabisang paraan ang pag-fogging upang hindi kumalat pa ang virus, kinakailangan lang na may sapat na proteksyon ang mga nagsasagawa nito at umalis muna sa lugar ang mga residente lalo na ang mga bata.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa paniniwala naman ni Salles, naitataboy lang at hindi lahat namamatay ang mga lamok na may virus, bukod kasi sa may chemical ito, isinasagawa lamang ito kapag napakarami ng kaso sa lugar,  ang 25 natala ay hindi naman sa iisang lugar lamang, tanging pagdi-disinfect at search and destroy ang ginagawa nila, nagbigay na rin sila ng mga anti-dengue chemical spray, bago pa man daw kasi maging malala nagsagawa na sila ng mga programa para maiwasan ang pagkalat ng virus sa bayan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, sa 25 kaso, gumaling na ang ilan, nagpapagaling naman sa bahay ang iba at isa ang kasalukuyang naka-confine.