Iminungkahi ni Vaccine Expert Panel chairperson Dra. Nina Gloriani na palawigin pa ng gobyerno ang pagtuturok ng 4th dose ng bakuna o ang 2nd booster shot.
Sa LagingHanda press briefing, sinabi ni Gloriani na dapat na ring ikunsidera ang 2nd booster jab sa mga edad 50 hanggang 59.
Sa ngayon kasi, tanging mga immunocompromised adults, healthworkers, at senior citizens pa lamang ang maaaringmaturukan nito.
Maliban pa rito, inirekumenda rin ni Dra. Gloriani na isama na rin sa 2nd dose ng booster shot ang mga overseas Filipino workers at mga seafarers.
Matatandaang inirekumenda na ito noon ng IATF lalo na’t ang 4th dose ng bakuna ay requirement ng ilang mga employers sa ibang bansa.
Sa ngayon, hindi pa rin naaaprubahan ng Philippine FDA ang pagtuturok ng 2nd booster shot sa general population.
#