Bangsamoro Mufti, idineklara ang Eid’l Adha sa ika-9 ng Hulyo

Idineklara ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Bangsamoro Mufti Abuhuraira Udasan ang Eid’l Adha sacrificial festival sa darating na ika-9 ng Hulyo.

Ang naturang Feast of Sacrifice ay bilang pag-alala sa Propetang si Ibrahim kung saan handa niya umanong isakripisyo ang kanyang anak base sa utos ni Allah.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Isinasagawa ng mga Muslim ang pagkatay ng tupa, kambing, baka at kamelyo bilang parte ng naturang tradisyon.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Samantala, ang Eid’l Adha ay isa sa mga pinakaimportanteng holidays sa Muslim calendar kung saan kabilang dito ang Eid’l Fitr pagkatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

(ARGIE ERGINA)