Polomolok, Surallah lalagyan ng dialysis center

KORONADAL CITY- PINASIGURO ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo na magpapatuloy sa kanyang ikalawang termino ang mga programa na nasimulan nito katulad ng free hospitalization at free education program.

Sa kanyang inaugural address noong Martes, inihayag ng gobernador na ito ay madadagdagan pa dahil sa nalalapit na pagbubukas at operasyon ng South Cotabato Dialysis Treatment Center at pagpapatupad ng Free Dialysis sa mga pasyente na may renal failure.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa opisyal na kumpleto na ang mga machines at lahat ng mga kinakailangan na mga equipo para sa operasyon nito at license to operate na lamang ang kanilang hinihintay.

Samantala, pinoproseso na ayon kay Tamayo ang paglalagay ng dialysis center sa Polomolok at Norala para sa mga pasyente sa 1st district at 2nd district.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sampung dialysis machines ang target nito na ilagay sa Polomolok at 10 din sa Norala.
Ang South Cotabato Provincial Hospital ay mayroon ng 10 dialysis machines at ito ay inaasahan na madadagdagan pa ng 10.