Kinumprima na ng Securities and Exchange Commisison o SEC ang order nito na i-affirm ang order nito na ipa-shutdown ang online news and media organization na Rappler.
Ginawa ng SEC ang kumpirmasyon matapos ianunsyo ni Rappler CEO Maria Ressa sa East West Center conference ang order ng tanggapan na ituloy ang order nito i-revoke ang certificate of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation.
Sa pahayag ng SEC, itutuloy nito ang unang desisyon ng en banc noong 2018 na ‘di umano’y lumabag ang Rappler sa constitutional at statutory restrictions nito pagdating sa foreign ownership ng isang mass media company.
Nilabag umano nito ang batas nang i-isyu ang kontrol sa Omidyar Network – isang foreign entity.
Inilahad ng SEC na noong umapela ang Rappler sa Court of Appeals, binalak umanong ibigay ng Omidyar Network sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Stephen King, ang Philippine Depositary Receipts sa mga Pilipinong staff nito.
2018 nang unang ipinag-utos ng SEC ang revocation ng Rappler para makapag-operate.
Umapela na noon ang kumpanya para i-annul ang desisyon.
Rappler, nakatakdang i-apela ang desisyon ng SEC
Aapela pa rin ang news media organization na Rappler sa ginawang pag-upheld ng Securities and Exchange Comission sa order nito na i-revoke ang certificates of incorporation ng kumpanya.
Sa isang pahayag, sinabi ng Rappler na entitled pa rin ang kanilang kampo na i-apela ang desisyon ng SEC.
Dahil dito, nakatakda umano silang mag-appeal sa kinauukulang korte.
Iginiit pa ng Rappler na ‘highly irregular’ ‘di umano ang naging proceedings sa kasong ito.
Sa ngayon anila – ‘business as usual’ pa rin ang kumpaniya.
Sa isang internal memo na ipinadala ng Rappler sa kanilang mga staff, inabisuhan ang mga empleyado na mag-adapt, mag-adjust, at mag-survive.
#