Mini bus at truck, nagbanggaan sa Roxas

Iniimbestigahan na ng Roxas PNP ang aksidente sa pagitan ng isang mini bus at dump truck na may karga sa Purok umalad Barangay 4, Roxas Palawan.

Naiulat ang aksidente bandang alas-diyes ng umaga ngayong Miyerkules, June 29, 2022.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Kinilala ng awtoridad ang mga driver na sina Ricky Hugo, 39 anyos ng mini bus at si Rex Beguillia, 36 anyos na minamaneho ang dump truck.

Sa nakalapas na impormasyon ng Brigada, nagmula sa lungsod at papunta sanang Bagong bayan sa Roxas ang mini bus nang masakop umano ng truck ang kanyang linya sa kurbada na dahilan ng banggaan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Walang naitalang lubhang nasugatan sa mga driver at mga pasahero ng mini bus.

Samantala, naialis na sa lugar ang mga behikulo.