LEGAZPI CITY – Hindi mawala wala umano sa bawat taon na mayroong nahuhuling ilegal logging sa Bicol Region dahil sa pinahihintulutan ito ng ilang barangay o residente o kaya naman kulang sa information pagdating sa pagpuputol ng niyog.
Ayon kay Regional Manager Bong Zipagan ng Philippine Coconut Auhtority, umaabot sa mahigit kumulang sa 30 individual ang nahuhuli sa loob ng isang taon sa rehiyon.
Aniya, karamihan din umano sa mga nahuhuli ay transportation na ipinapasok sa Bicol Region na ibinabyahe patungong Metro Manila na walang permit.
Kung mayroon man namumutol ng niyog ay mabilis naman itong nahuhuli dahil ang nasa barangay o residente na rin ang nagsusumbong rito na agad naman itong nirerespondehan ng mga awtoridad.
Paglilinaw ng opisyal, hindi naman mauubos ang puno ng niyog sa Bicol dahil sa ang bawat putol ay mayroong kapalit na dalawa o tatlong na itatanim na niyog.