Delivery truck tumagilid, isa patay sa aksidente

Patay ang driver ng tumagilid na delivery truck ng alak kahapon sa national highway ng Old Cabalan, Olongapo City.

Sa ulat ng Olongapo City Traffic Investigation Unit, kinilala ang nasawing driver na si Roberto Mabini, 59-anyos na residente ng Hulo Sto. Cristo, San Isidro habang ang helper nitong si Jilbert Mabini ay ginagamot sa ospital.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ayon kay Pcpl. Mark Joseph Lising, investigator, hindi na nakaligtas ang driver dahil sa tinamo nitong injuries.

Sa inisyal na imbestigasyon, nang dumating sa pinangyarihan ang truck ay nawalan ito ng control na dahilan para bumagsak ito kung saan tinamaan ang isang nakaparadang motorsiklo at gate ng isang bahay.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Nagkalat ang mga basag na bote at dahil major highway ang lugar, maraming motorista ang naantala ang byahe kahapon hanggang kagabi.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO